
Hindi mapagkakailang may mga panibagong challenges ang mga ina ngayong pandemya kaya naman nagsagawa ang Alaska Fortified Milk Drink Team ng survey tungkol sa nutrisyon ng pamilyang Pilipino at ang nga kasalukuyang suliranin ukol dito.
Ang survey ay online, at may almost 300 participants na mula sa facebook community ng mga inang prayoridad ay ang pangangalaga ng nutrisyon ng kanilang pamilya, ang MOMs of Alaska. Ito ay binubuo ng nga ina mula sa iba’t ibang larangan at estado sa buhay.
The Majority’s Concern During the Pandemic

Karamihan sa mga respondent ang nagsabing nahihirapan silang mag-budget para sa groceries, health essentials at iba pang bayarin, kaya naman naapektuhan ang kakayahan nilang magbigay ng nutrisyon para sa pamilya. Kalahati ng respondents ang nawalan ng trabaho at one-fifth ng respondents ang nahihirapang magbalanse ng responsibilidad sa pamilya.
How Moms Overcome “Nutri-Problem”
Narito ang ilan sa mga pahayag ng mga ina tungkol sa suliraning hinaharap.
“Kahit na sa panahon ng pandemya, dapat hindi kaligtaan ang kalusugan ng pamilya. Kaya sinisigurado ko po na palaging wasto ang sustansyang nakukuha ng mga anak ko,” sabi ni Jenevev, isang street vendor at ina ng dalawang bata.
“Kahit mahirap i-budget ang PHP 100 a day, sinusubukan ko pa din bigyan ang mga anak ko ng masusustansyang pagkain tulad ng gulay. Simpleng ginisang gulay ay ayos na,” sagot naman ni Jonalene, housewife.
“Bilang ina, lagi kong inuuna ang wastong nutrisyon para sa aking mga anak, kaya parte ng araw-araw naming pamumuhay ang pagbibigay ng masustansyang pagkain at pagpapainom ng mga bitamina na may iba’t-ibang benipisyo para sa nutrisyon. Kaya naman malaking tulong ang affordable na gatas na may maraming nutrients at benefits para sa kalusugan ng mga anak ko tulad ng Alaska,” sabi ni Arlene, online worker.
Some Stats To Consider
May 94% na nagsabing prayoridad pa rin nila ang pagbibigay ng wastong nutrisyon para sa kanilang pamilya. Ito pa rin ang pangunahing hangarin ng mga ina mula sa Moms of Alaska.
Ngunit 66.3% ang nasabing wala sila sapat na kakayahang pinansyal upang mag-provide ng tamang nutrisyon.
At 81.3% ang nagpahayag na merong pagbabago sa habit ng pamimili, halimbawa ay ang pagdagdag ng mga pandemic essentials tulad ng face masks at alcohol. Kaya naman may pagbabago din sa pag budget ng pagkain.
Sa kabila ng suliranin, naghahanap pa rin ng paraan ang mga ina upang matugunan ang pangangailangang nutrisyunal ng pamilya.
Higit sa kalahati (68.2%) ng mga respondent ang nagluluto ng kung anumang masustansyang pagkain ang pasok sa kanilang budget at ang iba naman (66.3%) ay nagsimulang mag-ehersisyo kasama ang kanilang pamilya. Sa kabutihang palad, mas maraming mga nanay (79.8%) ang nakahanap ng paraan upang masolusyunan ang kanilang mga “nutri-problems” sa pamamagitan ng pagpili ng mga affordable na pagkain at masustansyang inumin tulad ng gatas.

Alaska’s Mission
Dahil sa naging resulta ng survey, nais ng Alaska na tugunan ito ng solusyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas abot-kayang nutrisyon sa bawat pamilyang Pilipino.
Kaya naman inilulunsad ng Alaska Fortified Powdered Milk Drink ang kanilang pinaka-affordable na milk pack, ang “Super Sulit Pack” na available sa 300g sa halagang PHP 70 lamang.

Ito ay mayroong protein, calcium, and vitamin D para sa “lakas” na nakakatulong sa body development, at choline at iodine para sa “talas” na nakakatulong naman sa brain development.
Pwedeng katambal ito sa masustansya at well-balanced na almusal para sa mas kumpletong nutrisyon ng mga bata. =)

Ang Alaska Fortified Powdered Milk Drink ay available sa Shopee, Lazada, leading supermarkets at grocery stores nationwide.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Alaska Fortified Powdered Milk Drink, bisitahin lang ang http://www.alaskamilk.com o sundan ang Facebook page nito sa http://www.facebook.com/alaskamilkph. ❤️

Leave a comment